RCR

Ang Lumpia at Empanada sa Pandemia

Sa araw-araw bandang alas - 9 ng umaga, dumadating si Manang Edna Parot. Bitbit ang malaking lalagyan ng bagong lutong lumpia at empanada .Oras na para sa coffee break at para sa mabilisang pamawi ng humihilab na tiyan ng mga empleyadong hindi pa nag-almusal o sadyang nag-aabang para pang ulam sa tanghalian, ang tindang  lumpia at empanada  ni Manang Edna ang murang solusyon. 


Nagsimula si Manang Edna sa pagtitinda, matapos ang aksidente na halos ikaputol ng kanyang paa. Kahit hirap sa paglakad, matiyaga niyang binabaybay ang daan papunta sa mga suking opisina na pinagdadalhan ng paninda. Tatlo ang anak ni Manang Edna at retirado na ang asawang senior citizen; lahat sila ay miyembro ng SAMULCO. 


“Ang kita ko sa pagtitinda ang pinagkukunan ko ng pambayad sa aking loan sa Samulco.” Ang may pagmamalaking sabi ni Manang.



"Kailangan malinis at excellent ang produkto at serbisyo sa mga kostumer para sila ay babalik at bumili ulit. Hindi naman malaki ang tubo, pero kailangan nating magsikap para kumita,  laban lang sa buhay."


Si Ginang Edna Parot ay isa sa mga miyembro ng Sta. Ana Multipurpose Cooperative na sumali sa virtual marketplace na Mercado de SAMULCO. Ang online community ay naglalayong tulungan ang mga katulad ni Edna na handang sagupain ang mga hamon ng buhay - kahit pa sa panahon ng  pandemiya.  Pwedeng mag-order sa kanya sa numerong ito 0907-8800857. 

Micro-entrepreneurs! We got your back! Avail our Micro-business recovery loan and let’s do business again!

Contact us